^

Metro

QC walang holiday sa pagkolekta ng basura

ISYU AT BANAT - Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dulot ng patuloy na pagtaas ng volume ng mga basura ngayong holiday season, patuloy na kokolektahin ng mga tauhan ng Environmental Protection and Waste Management Department ng QC Hall ang mga basura ng mga taga lunsod kahit holiday.

Sinabi ni EPWMD head Frederika Ren- toy, tulad noong Decem­ber 25 ay ganun na koko­lektahin ang basura ng mga taga QC sa January 1 gayundin sa Janua­ry 2 na deklaradong holiday.

Anya, prayoridad na­ming makuha ang mga basura na nasa main road sa panahon ng operasyon.

Sinabi ni Rentoy na may itinalaga siyang skeletal force para kumuha ng basura  sa mga kabahayan at iba’t ibang establisimiento sa panahon ng holiday.

Pinayuhan naman nito ang mga tauhan na bawal ang manghingi ng pera sa mga residente dahil trabaho nila ang mangolekta ng basura sa mga taga lungsod.

vuukle comment

ENVIRONMENTAL PROTECTION AND WASTE MANAGEMENT DEPARTMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with