^

Metro

200 single parents, benepisyaryo ng ‘Tindahan ni Ate Joy’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 200 single- parent sa Quezon City ang tumanggap ng ayuda mula kay Vice Mayor Joy Belmonte sa ilalim ng ‘Tindahan ni Ate Joy’ program ngayong Nobyembre.

Sa ngayon, umaabot na sa kabuuang 800 single  parent sa lungsod ang patuloy na nakikinabang sa naturang programa mula nang pasimulan  ito ni  Vice Mayor Belmonte sa nakalipas na tatlong taon.

Sa ilalim ng programa , ang bawat single parent ay pinagkakalooban ng ibat -ibang grocery items at bigas na may halagang P10,000 para gamiting panimula sa isang maliit na negosyo na maaaring mapagkunan ng dagdag na kita para sa kanilang pamilya.

“This is one of my favorite projects because it gives economic empowerment to those whose partners have died or left them, so they can sustain the children left behind. Ten thousand pesos worth of goods are given to entrepreneurial solo parents so they can start a small business”, pahayag pa ni Belmonte.

Ang 4th batch ng mga benepisyaryo ng ‘Tindahan ni Ate Joy’ ay ang dalawang TODA association at dalawang  vendors association sa Frisco, QC.

Sa ngayon, ang income ng mga solo indigent pa­rents mula batch 1 hanggang batch 3 ay nagagamit na ng kanilang mga anak sa kanilang paaralan at ibang mga gastusin sa pamilya.

Umaasa si Belmonte na sa pamamagitan ng ayudang ito ay mapapagyaman at mapapa-unlad ng bawat solo parent ang kanilang munting negosyo upang makatulong sa pagsisimula ng kanilang pagbabagumbuhay.

VICE MAYOR JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with