^

Metro

8 pang dawit sa droga, bulagta

Lordeth Bonilla at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walo na namang katao ang iniulat na nadagdag sa bilang ng mga napapatay na may kaugnayan sa droga sa magkakahiwalay na insidente na naganap sa Caloocan, Pasay at sa Maynila.

Sa Caloocan, tatlong kalalakihang pinaniniwalaang dawit sa droga ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang mga suspect sa ibat-ibang lugar sa lungsod.

Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng cal. 45 baril sa katawan ang isa sa mga ito na nakilalang si Arthur Tabaquero, 43, ng Alaska St., Brgy. 151 habang ang nakababatang ka­patid nitong si Danilo, 39, iniulat na nasugatan.

Naganap ang insidente alas-6:00 ng gabi, habang nakaupo sa labas ng kanilang bahay si Arthur nang dumating ang dalawang armadong lalaki na kapwa naka-maskara at walang sabi-sabing pinagbabaril ang magkapatid.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakbo patungong Malolos Avenue ang mga suspect kung saan naghihintay ang dalawang kasamahan ng mga ito na sakay ng walang plakang motorsiklo at mabilis na nagsitakas.

Patay din sina Gerald Aveno, 27, ng Nicdao Compound, Sampaloc St. Reparo, Barangay 178 Camarin at Hermie Feliciano, alyas Balong, 50.

Ala-1:00 kahapon ng madaling araw nang pagbabarilin si Aveno ng mga suspect na riding in tandem habang naglalakad ito kasama ang mga kaibigan para bumili ng alak sa kahabaan ng Mabolo St., Brgy. 178, Camarin. Samantalang si Feliciano naman ay binaril naman alas-3:30 ng madaling araw  habang nagbibisikleta ito  sa P. Jacinto St., Brgy. 86 ng naturang lungsod.

Sa Pasay City, tatlo rin ang bumulagta matapos ding pagbabarilin ng riding-in-tandem na suspect sa magkakahiwalay na insidente sa Pasay City na iniulat kahapon.

Kinilala ang mga nasawing biktima na  sina Redentor Ma­nalang, 50; Michael Siaron, 30, at Ryan Alfred Esquivel, 33.

Alas-9:30 kamakalawa ng gabi, unang pinagbabaril si Manalang sa panulukan ng Zamora at Protacio St. Nag-iwan pa ang mga suspect ang isang karatula na may katagang “drug pusher ako huwag tularan”.

Samantala, pagsapit naman ng alas-12:45 kahapon ng madaling araw, si Siaron naman ay pinagbabaril ng dalawa ring kalalakihan na naka-motorsiklo sa panulukan ng EDSA-Rotonda at iniwan din dito ang karatulang “pusher ako huwag tularan”.

Ayon sa kaanak nito, walang katotohanang nagtutulak ito ng droga, kung saan gumagamit lamang aniya ito.

Ang isa pang biktimang si Esquivel ay pinagbabaril din ng dalawa pa ring kalalakihan alas-12:55 kahapon ng mada­ling araw sa kahaban ng Leveriza St., Brgy. 21, Zone 3 ng naturang lungsod.

Sa Maynila naman, dalawa sa tatlong sinasabing naaktuhang nagpo-pot session sa loob ng isang bahay ang na­patay nang makipagbarilan sa mga tauhan ng Manila Police District-Station 11, sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Bumulagta at agad na binawian ng buhay sina Dennis Ragub, alyas Buwaya, 35 anyos at Frank Bural, alyas Panke, 29, kapwa residente ng Binondo, Maynila. Ang dalawa ay sinasabing sangkot din sa serye ng holdapan sa mga truck na nagbabagsak ng mga panindang gulay sa Divisoria market.

Isa pang hindi tukoy na pangalan na kasama umano sa naganap na ‘ratratan’ ng shabu ang nakatakas habang nagaganap ang engkuwentro.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with