BFP nag-inspeksiyon sa mga dormitoryo
MANILA, Philippines - Nagsagawa ng inspeksiyon ang Manila Bureau of Fire Department sa mga dormitoryo sa lungsod, bilang paghahanda nito sa pagbubukas ng klase sa Lunes, kung kelan inaasahan ang pagdagsa ng mga mag-aaral mula sa mga lalawigan.
Ayon kay Manila Fire Marshall Supt. Jaime Ramirez, bago pa sumapit ang buwan ng Hunyo ay sinimulan na nila ang pagsusuri sa mga dormitoryo para matiyak na nasusunod ang safety standards.
Nabatid na umabot na sa 116 dormitories na ang kanilang na-inspeksiyon, kung saan tatlo ang pinatigil sa operasyon dahil hindi nakaabot sa safety standard at hindi pagtugon sa notice to correct violation.
Nabatid na katuwang ng MBFP sa pag-iikot at pag-iinspek-siyon ng mga dormitory ang mga tauhan ng Manila City Hall.
Sa Lunes iinspeksiyunin naman ang mga dormitoryo sa University Belt. Magpapatuloy ang inspeksiyon sa mga dormitoryo hanggang sa katapusan nitong Hunyo.
- Latest