^

Metro

PAO chief, pabor sa bitay!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bunsod ng lumalalang karumaldumal na krimen sa bansa kaya pabor na si Public Attorney’s Office (PAO) chief Atty. Persida Rueda-Acosta sa pagbabalik ng?arusang bitay sa bansa.

Si Acosta ay nagpahayag ng kanyang suporta sa layunin ng incoming President Rodrigo Duterte na ibalik nito ang death penalty.

Ayon kay Acosta, rati ay hindi siya pabor sa parusang kamatayan pero nagbago ang isip nito makaraang lumala ang nagaganap na henious crime sa bansa.

“Sa ngayon, pabor na po ako sa?eath penalty?a mga?einous crimes like rape with homicide, kidnapping with murder, and drug trafficking,” ani Acosta sa mga reporter sa?ernandina media forum sa?lub Filipino,?reenhills, San Juan City.

 “Pinag-aaralan ko simula 2004?ung pina-abolish?atin ang death penalty?anggang ngayon 2016?eron pong mga demonyo na gumagawa ng krimen na walang karapatan na mabuhay.?asensya po sa mga tatamaan.?sang batang sanggol pupukpukin ng martilyo ... hindi na tao ang gumagawa n’yan?...?asahol pa sila sa hayop,” pahayag pa ni Acosta.

Tiniyak naman ni Acosta sa publiko na masusi silang magbabantay upang masiguro na totoong mga kriminal ang maisasalang sa parusang kamatayan.

Una rito ay sinabi ni incoming Presidente Digong Duterte na ibabalik niya ang death penalty sa pama?agitan ng pagbigti  sa oras na siya ay umupo na bilang Pangulo ng bansa.

IMELDA MARCOS

JULIO LEDESMA

SALN

WEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with