Paninigarilyo sa Muntinlupa bawal na
MANILA, Philippines - Ipatutupad na ang pagbabawal nang paninigarilyo sa Muntinlupa City kasabay ng paglagda ng city government sa isang pledge na maging “smoke-free” ang lungsod para sa paglulunsad ng “World No Tobacco Day”.
Kahapon ay nanindigan si Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi at mga local na opisyal ng lungsod, kabilang ang Environment Cluster, na tanggalin o ipagbawal paninigarilyo dahil nakakasama ito sa kalusugan at kapaligiran.
Base aniya sa datus ng World Health Organization (WHO), 6 milyon katao ang namamatay sa buong mundo at 87,600 mga Filipino naman ang namamatay dahil sa paninigarilyo.
Kung saan ang usok mula sa paninigarilyo, ang 7,000 mga kemikal nito ay nakakalason sa katawan, ang 70 chemicals ay nagiging sanhi ng cancer, ang 2/3 contents naman ay nagiging sanhi ng lung cancer, 40% ay sanhi ng chronic respiratory diseases, samantalang ang 10% ay nagdudulot ng facilitates cardiovascular diseases tulad ng coronary heart di-sease at stroke.
Bilang bahagi ng kampanya kontra paninigarilyo, nabatid na maglalagay ng mga poster sa buong lungsod hinggil sa masamang epekto nito.
Bukod dito, layunin pa rin ng pamahalaang lungsod na bigyan ng ngipin ang batas hinggil sa pagbabawal sa paninigarilyo lalu na’t nalalapit na ang pang-upo ni pangulong Rodrigo Duterte.
- Latest