^

Metro

MRT-3, Pasig ferry, tigil ang biyahe sa Semana Santa

Mer Layson at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na araw na ititigil ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang kanilang biyahe ngayong Mahal na Araw upang bigyang-daan ang taunang maintenance work nito.

Sa isang advisory na inis­yu ng MRT-3, naba­tid na hindi muna bibiyahe ang kanilang mga tren mula Marso 24, Huwebes Santo, hanggang sa Marso 27, sa  Linggo ng Pagkabuhay.

Magbabalik naman ang normal na operasyon nito sa Marso 28, Lunes, ganap na alas-4:30 ng madaling araw.

Ang MRT-3 ang nag-u­ugnay sa Taft Avenue sa Pasay City at sa North Ave­nue sa Quezon City via Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

Nauna nang nagpala-  bas ng kahalintulad na advisory ang Line 1 at Line 2 ng Light Rail Transit (LRT).

Samantala, wala ring  biyahe ang Pasig ferry simula Marso 24 hanggang 26  (Huwebes Santo hanggang  Sabado de Gloria). 

Ito ang abiso kaha­pon ng  Metropolitan Manila Deve-lopment Authority (MMDA), kaugnay pa rin ito sa paggunita ng Semana Santa.

Sa Lunes na (Marso 28) ang balik operasyon ng Pasig ferry system.

Nabatid na may  15 ferry boats ang kasalukuyang  bumabiyahe sa 12  stations  na kinabibilangan ng Pinagbu­hatan, at San Joaquin sa Pasig City; Guadalupe at Valenzuela sa Makati City; Hulo sa Mandaluyong City; PUP Sta. Mesa, Sta. Ana, Lambingan, Lawton, Escolta, at Plaza Mexico sa Maynila.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with