^

Metro

Serbisyong ‘Buwan ng Puso’ sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ngayon Pebrero na Buwan ng mga Puso, pagtutuunan ng pansin ng mga city hospital at health centers ang serbisyong medikal sa mga Manileños na may sakit sa puso gayundin  ang  pagtuturo ng paraan upang makaiwas sa naturang sakit.

Ayon kay Manila Health Department chief, Dr. Benjamin Yson,  inatasan na sila ni Manila Mayor Joseph Estrada na magbigay ng libreng heart care services.

“Lahat po ng aming mga ospital laluna yung mga health center­ ay magbibigay ng libreng heart care services. Ang mga ito ay regular nating serbisyo pero lalo itong akmang-akma ngayon dahil sa pag-obserba natin ng Heart Month o Buwan ng Puso ngayong Pebrero,” ani Yson.

Ani Yson, madalas na  sabihin ni Estrada na gumalaw, kumilos at mag-exercise dahil ang kalusugan lalo na ang puso ay mahalaga.

Ilan sa mga regular na Heart Month-related services ay BP Watch (Blood Pressure monitoring). Maghahanda rin ang MHD ng  Complete Blood Count (CBC), Fasting Blood Sugar (FBS) at Total Cholesterol Level tests para sa lahat. Sinumang makikitaang may problema sa puso ay bibigyan ng gabay sa management, at kung kailangan ng gamot ay titiyakin natin ang kanilang gamot.”

Tinatayang 10,000 Manilenyo ang maseserbisyuhan.

ANG

ANI YSON

BLOOD PRESSURE

BUWAN

COMPLETE BLOOD COUNT

DR. BENJAMIN YSON

FASTING BLOOD SUGAR

HEART MONTH

MANILA HEALTH DEPARTMENT

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with