^

Metro

Drug den sinalakay: 18 arestado

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Labingwalong drug personalities na sangkot sa iligal na droga ang naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ginawang pagsa­lakay sa tatlong bahay na ginagawang drug den sa Brgy. Pag-asa sa Quezon City, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat kay PDEA Director General Undersecretary Ar­turo G. Cacdac Jr., ni Director Erwin Ogario, Regional Di­rector of PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) ang nasabing mga bahay ay sina­lakay sa bisa ng tatlong search war­rant ng inisyu ng korte sa lungsod dahil sa ginagamit ito bilang mga drug den.

Nadakip sa nasabing ope­rasyon ang mga suspect na sina Arnel Banado, 43; Milafe Laping, alyas Fe/Inday, 38; at Rolando Viray, 64; na sinasabing mga drug den owner; at mga kustomer na sina Julius Bergonia, 23; kapatid na si James, 20; Rizalyn Quiazon, alyas Osang, 29; Er­nesto Camata, alyas Jun-Jun, 46; Alex Paulino, 36; Jerry San Miguel, 44; Manuel Gaba, 35; Evangeline Eugenio, 49; Je­rald Sese, 30; Jojo Alvarado, 35; Jesus Maglalang, 32; Rolly Perez, 36; Manuel Alcantara, 36; Nilo Abinio, 36; at Jose Maickel, 25.

Ayon kay Cacdac, isinagawa ang operasyon dahil sa serye ng ulat na nakarating sa kanilang tanggapan buhat sa mga walk-in informant tungkol sa talamak na ope­rasyon ng droga sa lugar.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng surveillance ang tropa at nang magpositibo ay agad na kumuha ng search warrant, saka inilunsad ang operasyon, ganap na alas-2 ng hapon.

Nasamsam sa nasabing operasyon ang may kabu­uang 60 gramo ng shabu na may value ng P72,000 at assorted drug paraphernalia.

Sina Banado, Laping at Viray ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 6 (Maintenance of Drug Den), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang ang mga customer nito ay paglabag naman sa Section 7 (Visitors of a Drug Den).

vuukle comment

ACIRC

ALEX PAULINO

ANG

ARNEL BANADO

CACDAC JR.

DIRECTOR ERWIN OGARIO

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY AR

DRUG

DRUG DEN

MGA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with