P14-B buwis nalikom ng Makati City sa taong 2015
MANILA, Philippines – Umabot sa halos P14 bilyon ang nalikom ng pamahalaang lungsod ng Makati mula sa mga buwis nitong 2015, na mas lomobo ng siyam na porsiyento kumpara sa taong 2014 na umabot lamang sa P12.79 bilyon.
Ayon kay Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña, ang positibong koleksiyon ay isang indikasyon ng malalim na tiwala at kumpiyansa ng mga negosyante sa lungsod.
“The city government under the Bagong Makati administration is deeply grateful for the tangible support and confidence shown by the city’s foremost development partner, its thriving business community. We also feel vindicated by the increase in new investments and improved business retention in the city, proving our detractors and the doomsayers wrong,” ani Mayor Peña.
Base sa talaan ng Business Permits and Licensing Office, may 4,211 bagong negosyo ang nag-akyat ng P23 bilyong paid-up capital sa 2015, habang ang kasalukuyang 30,000 negosyanteng tala ay nakapagtala ng P1.1 trilyong benta sa nakalipas na taon.
Ang mataas na koleksiyon ayon kay Peña ay bunsod ng pinaigting na prinsipyo ng pamahalaang lungsod sa transparency at good governance at kahandaan sa puna at public accountability.
“Sa nakalipas na anim na buwan, naisulong namin ang wastong reporma upang maiwasan ang korupsiyon at maprotektahan at ituring na banal ang pondo ng Makati. Naisulong natin ang transparent bidding upang matiyak sa ating lahat ng nasasakupan na pawang de kalidad ang serbisyong maipagkakaloob sa kanilang lahat,” dagdag pa ni Peña.
Binigyang kredito din ng alkalde ang epektibo at episyenteng pagpoproseso ng business permits at pagkalap ng buwis, dahilan upang lalong lumobo ang koleksiyon ng Makati.
- Latest