^

Metro

Satellite payment center para sa mga tax payer, bubuksan sa Makati

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Para hindi mahirapan ang mga tax payer, inanunsiyo kahapon ni Makati City  Mayor Romulo  “Kid” Peña Jr.,  na bubuksan  na ngayong araw na ito (Enero 5) ang mga satellite payment center sa 31 bara-ngay ng lungsod.

Sa halip aniyang magtungo sa Makati City Hall ang mga tax payer, simula ngayong araw na ito hanggang sa Enero 15 ng taong kasalukuyan ay maaari   na lang silang magbayad ng Realty Property Tax (RPT) sa mga itinalagang satellite payment center, na nakakonekta sa Realty Tax Division, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

“Taxpayers only need to present their previous receipt when making the payment. Each transaction usually takes a maximum of four minutes, and an electronic receipt is issued immediately upon payment,” ani Peña.

Nabatid, na nag-alok ang pamahalaang lungsod ng 10% discount para sa mga magbabayad ng annual basis at 5% discount naman para sa quarterly payments.

Paalala pa rin, pag lumagpas ang buwan ng Marso ang pagbabayad ng sinumang tax payer para sa annual basis ay papa­tawan na ng 8% pe-nalty charge, samantalang ang magiging late naman sa quarterly payment ay may 2% na penalty charge kada buwan.

ACIRC

ANG

ATILDE

ENERO

MAKATI CITY

MAKATI CITY HALL

MARSO

MAYOR ROMULO

NBSP

REALTY PROPERTY TAX

REALTY TAX DIVISION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with