^

Metro

LRT at MRT balik normal ang biyahe

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Balik na sa normal ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) matapos magpa­tupad ng limitadong schedule nitong nakalipas na holiday.

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesperson Her-nan­do Cabrera, mula alas-5:00 ng madaling araw ay bibiyahe na ang unang tren ng LRT line 1 mula sa Roose­velt Ave. Quezon City, patungo ng Baclaran, Parañaque habang ang LRT line 2 ay tatakbo ang unang bagon nito ng alas-5:00 ng mada-ling-araw sa Recto Ave. sa Maynila patungo ng Santolan station sa Pasig City.

Ang huling biyahe naman ng LRT-1 at LRT-2 ay alas-9:30 ng gabi sa vice versa ng kanilang ruta.

Maging ang Metro Rail Transit (MRT) ay balik na rin sa normal ang operasyon para pagsilbihan at ihatid sa kani-kanilang destinasyon ang libu-libong pasahero na sumasakay araw-araw.

Una dito ay nagpa­tupad ng maiksing oras ng biyahe  ang LRT at MRT nitong Disyembre 24 at Disyembre 31 na mula sa alas-5:00 ng umaga ay hang­gang 7:30 lamang ng gabi.

ACIRC

ANG

ATILDE

DISYEMBRE

LIGHT RAIL TRANSIT

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

METRO RAIL TRANSIT

NBSP

PASIG CITY

QUEZON CITY

RECTO AVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with