^

Metro

2 binaril ng tanod namatay na

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Parehong pumanaw na ang isang binata at isang 7-anyos na batang lalaki matapos pagbabarilin ang mga ito ng isang barangay tanod sa kasagsagan ng pagsalubong ng Bagong Taon sa bounda­ry ng Makati at Taguig City.

Alas-6:54 kama-ka­la­wa ng gabi nang ba­­­­wian ng buhay sa Ospital ng Makati ang biktimang si Mark  Ange­lo “Macmac” Die­go, naninirahan sa Bu­lusan Extension, Bara-ngay Southside Makati City sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo. Ilang oras muna itong na-comatose at hindi nakuha ang bala nito sa ulo.

Bandang alas-5:00 naman ng madaling araw kahapon nang bawian din ng buhay sa nasabing ospital ang isa pang biktima na si John Edward Pascual, 28, nagtamo ng apat na tama ng baril sa dibdib.

Pinaghahanap na ng pinagsanib na pwer­sa ng Makati at Taguig City Police ang suspek na Reymundo Liza, 40, isang tanod ng Bara-ngay Southside, Makati City.

Sa ulat na isinumite ni SPO2 Nilo Sadsad, ng Homicide Section, Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) kay Police Sr. Supt. Ernesto T. Barlam, hepe ng Makati City Police, naganap ang insidente alas-12:20 kamakala­wa ng madaling araw sa harapan ng #88 Bu­lusan St., Barangay Southside, Taguig City.

Ayon sa ama ng bata na si Mark Anthony Diego, 25, nagdiriwang sila ng kanyang kaarawan kasabay ng pagsalubong ng Bagong Taon at bisita nito sina Pascual at Jay Java.

Habang masayang nagdiriwang ang mga ito at nanonood ng mga paputok ay biglang dumating na sakay ng motorsiklo ang lasing na si Liza kung saan kinursunada nito si Pascual.

Nagtanong pa ang suspek ng pasigaw “siga ka ba dito” sabay inilabas nito ang kanyang baril at tinutukan si Pascual.

Dito na pinagbabaril ng suspek si Pascual at ang bata namang si Mark Angelo na nakaupo lamang ay tinamaan ng ligaw na bala sa ulo at nadap­lisan din si Java.

Dali-daling isinugod sa naturang ospital sina Pascual at Mark Angelo subalit kapwa binawian ng buhay ang mga ito.

Ayon sa Makati City Police, tutulong na lamang sila sa imbestigasyon at pagdakip sa suspek na si Liza dahil ang pinangyarihan aniya ng insidente ay nasa hurisdiksiyon ng Taguig City.

Base sa record ng pulisya, ang suspek na si Liza ay minsan na aniyang nasuspinde bilang tanod, dahil nasangkot din umano ito sa pamamaril at nalaman din na siga-siga ito sa kanilang lugar sa tuwing ito’y nalalasing.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BAGONG TAON

BARANGAY SOUTHSIDE

CITY

MAKATI

MAKATI CITY POLICE

MARK ANGELO

SHY

TAGUIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with