^

Metro

Mga totoma sa kalye sa bisperas ng New Year aarestuhin – QCPD

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Huhulihin at posibleng sa kulungan na salubungin ng mga maaarestong umiinom sa kalye ang bisperas ng Bagong Taon.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Edgardo Tinio, ang pag-iinuman sa kalye ang nagiging ugat ng kaguluhan dahil madalas na nauuwi sa pikunan o kursunadahan kapag ang mga ito ay lango na sa alak habang nagkakasayahan.

Upang maging mapayapa at maayos na ipagdiwang ang Bagong Taon minarapat ng kapulisan na ipagbawal ang pag-inom sa kalye na matagal na rin anyang ipinapatupad na batas ng lokal na pamahalaan.

Samantala, magpapakalat­ din anya si Tinio ng mga ka­ragdagang tauhan sa mga pangunahing lansangan, bukod pa sa mga mobile patrol na umiikot sa bawat barangay para ma­sigurong mababantayan ang anuman magaganap na kaguluhan sa nasabing araw.

Paniniyak pa ng opisyal na ang kanyang mga tauhan ay visible sa mga lansangan at istasyon ng pulisya anumang oras para sa mga residente na mangangailangan ng tulong.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BAGONG TAON

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

EDGARDO TINIO

HUHULIHIN

MGA

PANINIYAK

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with