^

Metro

School building sa Pasig, tupok sa sunog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Problema ang kinakaharap ng mga high school students ng isang unibersidad sa Pasig City sa kanilang pagpasok sa paaralan sa Enero 4, ito ay matapos tupukin ng apoy ang pinapasukan nilang paaralan kahapon ng umaga.

Batay sa ulat ng Pasig City Fire Department, pa­sado alas-10:00 ng umaga nang maganap ang sunog sa high school department­ ng Arellano University na matatagpuan sa Brgy. Ca­nio­gan, sa Pasig City.

Unang napansin ng guwardiya ng paaralan na may usok na nagmumula sa canteen.

Nang kanyang buksan ang pinto, nakita nito na ma­itim na ang usok na nag­­mumula sa kuwarto ng care­taker ng kantina.

Hindi naman na nagawa pang maagapan ang sunog dahil nagsisikip na ang paghinga ng guwardiya ka­ya’t ipinasyang lumabas na ng gusali at mabilis na tumawag ng bumbero.

Pagsapit ng alas-10:30 ng umaga ay itinaas sa ikalawang alarma ang sunog.

Dahil gawa lamang sa kahoy ang gusali kaya mabilis na tinupok ng apoy ang kabuuang 10 kuwarto o school room ng unibersidad.

Inaalam pa ng mga pamatay-sunog ang pinagmulan ng apoy na naidek­larang fire out dakong alas-11:00 ng umaga.

Wala namang naiulat na nasaktan o kaya’y nasawi sa naganap na sunog.

ACIRC

ANG

ARELLANO UNIVERSITY

BATAY

BRGY

DAHIL

ENERO

INAALAM

PASIG CITY

PASIG CITY FIRE DEPARTMENT

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with