^

Metro

Consultant ng DOH, nadale ng ‘Dugo-dugo’

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa halip na maging masaya, malungkot na sinalubong ng isang consultant ng Department of Health (DOH) ang araw ng Pasko, matapos na matangayan ng mahigit sa P200,000 assorted na alahas at gamit ng umano’y kilabot na grupo ng ‘Dugo-Dugo gang’ sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 10, ang biktima ay kinilalang si Fernando Macabuag, 63,  ng Brgy. Central sa lungsod.

Ayon kay PO3 Edward Rimando, may-hawak ng kaso, inireklamo ni Macabuag ang kanyang kasambahay na si Chantelle Muji, 34, na siyang nagbigay ng mga alahas nito sa sinasabing sindikato sa pama­magitan ng modus na ang una ay nasangkot sa isang vehicular accident at nangangailangan ng malaking halaga ng pera para mabayad sa ospital.

Partikular na natangay sa biktima ang isang set ng pearl necklace na may rings (P30,000); isang set ng antique gold earing necklace hairpiece (P50,000); isang diamond ring (P20,000); tatlong piraso ng gold bracelet (P30,000); apat na piraso ng wristwatch (P80,000). Ang lahat ay may kabuuang halagang P210,000.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa mismong bahay ni Macabuag, ganap na alas-9 ng Miyerkules ng umaga.

Sinasabing si Muji ay dalawang buwan pa lamang nagsisilbing kasambahay ng biktima at stay-in ito sa bahay ng huli. At dahil nag-iisang kasambahay, si Muji lamang ang naiiwang mag-isa sa bahay kapag umaalis ang pamilya ng biktima para magtungo sa trabaho at paaralan.

Nang dumating ang pamilya ni Macabuag ng kanilang bahay, ganap na alas-6 ng gabi noong nasabing petsa, ay hindi nila naabutan si Muji, pero makalipas ang ilang minuto ay dumating ito at tinanong ng una kung saan nanggaling kung saan sumagot ang huli na nagpadala anya siya ng pera sa kaanak sa probinsya.

Ganap na alas- 9 ng gabi, pagpasok ni Macabuag at ng kanyang asawa sa kanilang kuwarto ay nakita nila ang kanilang cabinet at drawer ay nakabukas, saka nila nalaman na nawawala na ang kanilang diamond rings.

Agad na kinompronta ng mag-asawa si Muji saka sinabi nitong nakatanggap anya siya ng tawag sa telepono mula sa isang lalaki at sinabing nasangkot si Mrs. Makabuag sa vehicular accident at nasa ospital ito at nangangailangan ng pera.

Inutusan din anya si Muji ng caller na buksan ang cabinet at drawer saka kunin ang mga alahas at dalhin ito sa Puregold sa Sta. Mesa Manila. Sinunod naman ni Muji ang sinabi ng caller hanggang sa magkita nga sila sa nasabing lugar at ibinigay ang nasabing mga gamit.

Dahil dito, nagpasya ang mag-asawang Macabuag na humingi ng police assistance kung saan rumisponde sina PO1 Cordova saka direktang itinuro si Muji na siyang kumuha ng kanilang mga alahas dahilan para ang huli ay arestuhin at dalhin sa nasabing himpilan.

ACIRC

ANG

CHANTELLE MUJI

DEPARTMENT OF HEALTH

EDWARD RIMANDO

FERNANDO MACABUAG

MACABUAG

MESA MANILA

MRS. MAKABUAG

MUJI

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with