Dahil sa illegal drugs all out war idineklara ni Erap
MANILA, Philippines – Dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng illegal drugs nagdeklara ng all out war si Manila Mayor Joseph Estrada sa lungsod.
Sa panayam kay Estrada, nakaaalarma ang resulta ng naging pag-aaral ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na umaabot sa 92% barangay sa buong National Capital Region (NCR) ay sangkot ang mga kabataan sa ilegal na droga.
Dahil dito, personal siyang nagdeklara kahapon ng “all-out war” laban sa illigal drugs kung saan dapat na pagtuunan ng pansin ng local government at mismo ng mga magulang ang kanilang mga anak sa droga.
Naglabas din siya ng kautusan sa lahat ng mga station commanders na paigtingin ang kanilang mga surveillance at monitoring sa mga barangay na pinaniniwalaang lugar ng transaksiyon ng mga droga.
Isa na dito aniya ang mailayo ang mga kabataang Manilenyo mula sa salot ng droga sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga sports centers at gymnasium sa lungsod at paghikayat sa kanila na maging abala sa ibat’ ibang uri ng sports.
Noong Sabado ay personal na sinaksihan ni Estrada ang pagbubukas ng kauna-unahang libreng skate plaza para sa lahat. Ang nasabing proyekto ay sa inisyatibo ng kanyang anak na si Jake Ejercito.
Ang 1,700 square meter skate plaza na matatagpuan sa Canonigo Covered court sa panulukan ng Zulueta St. at Quirino Ave sa Paco, Maynila ay pinondohan ng pamahalaang lungsod ng Maynila kasunod ng matagal na hiling ng sektor ng kabataan na magkaroon ng isang lugar na matatawag nilang kanila at kung saan maaari silang magsanay sa kanilang napiling sport na skateboarding.
- Latest