^

Metro

2 ‘tulak’ timbog sa buy-bust

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Natimbog ng mga ope­ra­tiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang no­toryus na drug pusher matapos na makuhanan ng 100 gramo ng shabu sa isinagawang  buy-bust operation sa loob ng isang shopping mall sa Mandaluyong, iniulat kahapon.

Sa ulat na ipinarating kay PDEA Director Gene­ral Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., nakilala ang mga suspects na sina Alinor Sultan, alyas Alex, 28, at Alibasher Diamla, alyas Bobby, 26, kapwa ng Pasig City.

Nasakote ang mga sus­­pect sa loob ng isang shopping mall sa Mandaluyong ganap na alas-3:45 ng hapon.

Bago ito, isang PDEA undercover agent ang nag­kun­waring bibili ng 100 gra­mo ng shabu na nagkakahalaga ng P450,000 at nag­kasundo na magpalitan ng items sa nasabing lugar. Nang tanggapin ng dalawa ang marked money kapalit ang iligal na droga ay saka na sila dinampot ng mga nakaantabay na mga operatiba ng PDEA Regional Office 3 (PDEA RO3) sa pamumuno ni Director Gladys Rosales.

 Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang kinakaharap ngayon ng mga suspect.

vuukle comment

ACIRC

ALIBASHER DIAMLA

ALINOR SULTAN

ANG

DIRECTOR GENE

DIRECTOR GLADYS ROSALES

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

MANDALUYONG

PASIG CITY

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with