^

Metro

Dahil sa pag-phase out sa mga lumang jeep tigil-pasada ikinasa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinakda kahapon ng iba’t ibang transport leader sa pangunguna ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) ang  malawakan at malakihang tigil-pasada bukas, araw ng Lunes.

Sa press conference kahapon, sinabi ni ACTO President Efren de Luna na layunin ng transport holiday na maiparating sa Malakanyang ang kanilang matinding pagtutol sa planong pag-phase-out ng Land Transportation Franchising Reguatory Board sa mga pampasaherong jeep na may edad 15 taon pataas.

Ayon kay de Luna, ka­sa­bay ng tigil pasada sa Metro Manila ang tigil pasada sa iba’t ibang karatig lalawigan matapos magpahayag ng kanilang pagsuporta na papara-lisahin ang transportasyon lalu na ng mga passenger jeep at UV express.

Anya, nangangamba silang  hindi na payagan ng gobyerno na makabiyahe pa sa darating na Enero ang mga jeep at iba pang pampublikong sasakyan na mayrooon ng 15 year old pataas.

Sinasabing pagpasok ng 2016 ay sisimulan na ng pamahalaan ang phase out sa jeepney na may edad 15  taon pataas upang mawalis ang mga kakarag-karag na pampasaherong jeep at maprotektahan ang kapakanan ng mga pasahero.

ACIRC

ALLIANCE OF CONCERNED TRANSPORT ORGANIZATION

ANG

ANYA

AYON

ENERO

ITINAKDA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGUATORY BOARD

MALAKANYANG

METRO MANILA

PRESIDENT EFREN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->