^

Metro

Trapik sa Maynila lalong nagsikip dahil sa sunog

Doris Franche-Borja at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matinding trapik ang na­ranasan kahapon partikular sa lungsod ng Maynila na naging dahilan din sa pag-stranded ng maraming pasahero.

Nagdagdag ng sobrang pagsisikip sa daloy ng  tra­piko ang malaking sunog na naganap sa isang  squatters area sa panulukan ng  Quezon Blvd. at Recto sa Maynila.

Maraming commuters  na patungo sa Quiapo ang  naipit sa trapik lalo pa’t first  Friday o Quiapo Day kaya’t agad na nagdeploy ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ng  200 enforcers.

Agad na kinordon ng mga tauhan ng MTPB at mga pulis ang ilang  kalsada kung saan  tanging ang mga bumbero lamang ang pinapayagan na makapasok sa lugar.

Nagsagawa rin ng re- routing ang MTPB upang   maging tuluy-tuloy ang  daloy ng mga sasakyan.

Ang mga manggagaling sa Recto –Avenida ay sinara sa  motorista kung saan ang mga magtutungo sa  Morayta ay kumaliwa sa Avenida, kumanan sa Remigio at pi­nadiretso sa Tolentino St.

Umabot sa 500 kabaha-yan at commercial stalls sa CM Recto Avenue, Maynila ang naabo sa sunog.

Nadamay din ang mga pagawaan ng mga pekeng dokumento tulad ng diploma at lisensiya.

Halos nadilaan na ang women’s dormitory ng Manila City jail sa sunog na umabot sa general alarm.

Nabatid na nagsimula ang sunog na alas- 9:08 ng umaga at naideklarang fire under control alas-12:14 na ng tanghali.

Ayon kay Manila Fire Department head Superintendent Jaime Ramirez, masyado umano silang nahirapang makapasok sa lugar, dahil sa unang Biyer­nes ng buwan at maraming nagtutungo sa simbahan ng itim na Nazareno sa Quiapo.

 

ACIRC

ANG

MANILA CITY

MANILA FIRE DEPARTMENT

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MAYNILA

MGA

NBSP

QUEZON BLVD

QUIAPO DAY

RECTO AVENUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with