^

Metro

‘Kasalang Bayan’, handog ng Makati City

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magkakaroon ng “Kasa­lang Bayan” ang pamahalaang lungsod ng Makati sa mga nagsasama na hindi kasal dahil sa walang maipanggagastos sa la­yuning lalong mapatatag ang kanilang mga pagsasama.

Ang kasalang bayan na may temang “Kasalang Bayan para sa Matatag na Pamilya 2015” ay pangungunahan ni Acting Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña, Jr.

Gaganapin ito sa darating­ na Disyembre 18, 2015 sa Ma­­kati Session Hall mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon, na pangangasiwaan ng City Civil Registration Office (CCRO).

Ayon  pa kay Peña, magastos aniya ang pagpapakasal ngayon kaya napapanahon ang proyektong ito ng lungsod bilang tugon na rin sa mga usaping may kinalaman hinggil sa  hindi pa ikinakasal na magsing-irog na nagsasama na sa iisang bubong.

“More than legitimizing their partnership, getting married would give these couples legal and domestic rights and privileges, and at the same time help them to be more responsible parents to their children, who will also become legitimate,” ayon Peña.

Bukod umano sa  wedding ceremony at photo opportunity kasama ang alkalde at city officials, gayundin ang kamag-anak ng mag-asawa at mga ninong at ninang ay magbibigay rin ang lungsod ng libreng pagkain at inumin sa wedding reception.

Libre na rin ang bayarin para sa  certificate of no marriage (CENOMAR) na nagkakahalaga ng P235 kada tao at  marriage license na nagkakahalaga naman ng P300 kada mag-asawa.

ACIRC

ACTING MAKATI CITY MAYOR ROMULO

ANG

ATILDE

AYON

BAYAN

BUKOD

CITY CIVIL REGISTRATION OFFICE

DISYEMBRE

KASALANG BAYAN

SESSION HALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with