Scholarship program sa Makati, palalawakin
MANILA, Philippines – Dahil naniniwala si Makati City Acting Mayor Romulo “Kid” Peña, na maiibsan ng edukasyon ang lumalalang kahirapan, kung kaya’t inanunsiyo nito kahapon ang pag-renew ng pondo para sa scholarship program ng pamahalaang lungsod para sa mga mag-aaral sa Makati.
Kung saan nais nitong palawakin at higit na pagbutihin ang kasalukuyang libreng public education program ng pamahalaang lungsod hanggang sa kolehiyo.
Nabatid, na may 11 mag-aaral ng Makati ang nasa ilalim ng Philippine Normal (PNU) College Scholarship Program para sa ikalawang trimester ng 2015-2016 school year.
Nais pa rin itaguyod ni Peña ang pagbibigay ng full college scholarship para sa mga kuwalipikadong mag-aaral na residente ng Makati.
Kabilang sa naturang scholarship program ng lungsod, ang mga nag-aaral sa University of Makati, at kapag lehitimong taga- Makati, nasa P1,000 tuition lamang ang binabayaran nito kada semester.
Idinagdag pa nito, na layunin ng naturang programa na mabigyan ng pagkakataong makapag-aral at magkapagtapos ng kolehiyo ang mga kabataan na nagmula sa mahirap ng pamilya.
- Latest