^

Metro

FB user na nag-post na sangkot sa ‘tanim bala’ ang isang taxi driver, ipinaaaresto ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Na-cite for contempt at ipinaaaresto na ng Land Transportation Franchising and Re­gulatory Board (LTFRB) ang  Facebook User na si Juluis Niel Habana matapos akusahan ang isang taxi driver na sangkot sa insidente ng ‘tanim bala’ sa NAIA.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, boardmember ng LTFRB, ma­ngilang beses na nilang sinubpoena si Habana para sagutin ang ilang mga katanungan kaugnay ng  kanyang FB post na isang taxi driver ay sangkot sa ‘tanim bala’ sa airport.

Ayon sa LTFRB, tinungo na ng mga tauhan ng ahensiya ang barangay 703 zone 77 dis­trict V Malate, Manila na sakop ng tirahan ni Habana pero walang nakitang blotter re­cords dito kaugnay ng insidente.

Wala rin umano si Habana  sa kanyang tirahan sa Sailors Dormitory sa Malate Maynila pero sinasabing ang una ay nagtungo sa Iloilo noong October 31, 2015.

Wala namang maisagot at maibigay na detalye ang opisina ni Habana sa may Malate Maynila hinggil sa kinaroro­onan nito. Ipinarating din umano ni Habana sa mga tauhan ng LTFRB na sundan siya sa Iloilo para makausap siya kaugnay ng naturang isyu.

“Medyo may kayabangan itong si Juluis Habana. Kami pa ang board ang gusto niyang papuntahin sa Iloilo. Ngayun baka puntahan na nga siya doon para arestuhin”, pahayag pa ni Inton.

Kasabay nito, pinawalang sala naman ng LTFRB ang taxi driver na si Ricky Milagrosa sa bintang ni Habana dahil sa kawalan ng ebidensiya na nagpapatotoo sa FB post ng huli.

Sa FB post ni Havana, sinabi nitong si Milagrosa ay sangkot sa ‘tanim bala’ dahil nilagyan umano ng huli ng bala ang maleta ng pinsan nitong OFW na tutungo sa abroad.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARIEL INTON

AYON

FACEBOOK USER

HABANA

ILOILO

JULUIS HABANA

JULUIS NIEL HABANA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND RE

MALATE MAYNILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with