^

Metro

Bebot inutas dahil sa droga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang ginang makaraang barilin sa ulo ng hindi nakikilalang suspect na sinasabing may kaugnayan sa iligal na droga, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Hindi na umabot ng buhay sa Manila Central­ University Hospital ang biktimang si Rowena Monasterial, 49, ng P. Concepcion St., ng natu­rang lungsod.  Agad namang tumakas ang nag-iisang suspek na nakilala sa alyas Nonoy/Negro.

Sa ulat ng pulisya, nakatayo sa may Tumrez­ St., Brgy. Tugatog dakong alas-8:30 ng gabi ang biktima nang dumating ang suspek na armado ng hindi mabatid na kalibre ng baril.

Agad namang nakita ni Monasterial ang suspek at tinangkang tumakas ngunit nakorner pa rin siya nito at binaril nang malapitan sa ulo. Mabilis na tumakas ang salarin matapos ang krimen.

Ayon sa ina ng biktima, nakakatanggap ang kanyang anak ng death threats dahil sa koneksyon sa iligal na droga na talamak sa kanilang lugar.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BRGY

CONCEPCION ST.

MABILIS

MALABON CITY

MANILA CENTRAL

NONOY

ROWENA MONASTERIAL

UNIVERSITY HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with