^

Metro

Marangyang pamumuhay ng ilang bilanggo natuklasang patuloy Bilibid muling ginalugad

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nadiskubre ang patuloy na maginhawang pamumuhay ng ilang bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) makaraang muling magsagawa ng raid sa  mga kubol sa maximum security compound, kahapon kung saan nakumpiska ang ilang unit ng aircon, telebisyon at iba pang electronic appliances at
gadgets.

Pinamunuan mismo nina NBP Superintendent Richard Schwarzkopf Jr. at Bureau of Corrections Director Ricardo Cruz III ang raid sa ikatlong quadrant ng compound.

Nabatid na inilipat muna ng lugar ang mga presong nakakulong dito upang hindi maantala ang pagsasaliksik.

Bukod sa mga appliances at mga cellular phones, mu-ling nakadiskubre ang raiding team ng iba’t ibang baril, pa­talim, mga bala, at iligal na droga sa iba’t ibang taguan sa sahig at mga dingding habang ang iba ay sa mga naiwang damit ng mga inmates.

Nadiskubre ang airconditioning unit at flat screen TV sa kubol ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Ikinatwiran naman ni­to na kailangan umano niya ang aircon dahil sa sa­kit niyang skin asthma at  kum­pli­kasyon sa puso at
kid­ney.

May mga nakumpiska ring mga signal jammers ang raiding team ngunit mga luma na umano ito at hindi na maaapektuhan ang bagong 3G, 4G, LTE at WiFi signals.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, sari-saring mga matataas na kalibre ng armas at bulto-bultong bala ang nakumpiska sa isa ring pagsalakay sa mga selda
at kubol sa loob ng NBP.

ACIRC

ANG

BUKOD

BUREAU OF CORRECTIONS DIRECTOR RICARDO CRUZ

CALAUAN MAYOR ANTONIO SANCHEZ

IKINATWIRAN

MATATANDAAN

MGA

NABATID

NEW BILIBID PRISON

SUPERINTENDENT RICHARD SCHWARZKOPF JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with