Tattoo artist binoga, todas
MANILA, Philippines - Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng Manila Police District sa pagkamatay ng isang tattoo artist na binaril ng dalawang beses sa mukha at namatay kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Idineklarang dead on arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si Enrico Mangila, miyembro ng Sigue-sigue Sputnik gang at residente ng Building 15, Unit 20, Temporary Housing, Tondo,
Sa ulat ni SPO2 Charles John Duran ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 11:00 ng gabi nang madiskubre na duguan at nakahandusay ang biktima sa kanto ng Road 10, malapit sa Temporary Housing Tondo.
Wala pang nakukuhang impormasyon sa pagkakakilanlan ng gunman o suspek. Isang kapitbahay lamang umano ang nakapagsabi sa live-in partner ng biktima na si Maricar Santos na nakitang duguan ang biktima kaya agad itong dinala sa Tondo Medical Center. Blangko pa ang imbestigasyon sa motibo ng krimen.
- Latest