^

Metro

Iskul sa Quezon City, naabo sa sunog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P.5-M halaga ng mga kaga­mitan ang napinsala sa sunog na lumamon sa tatlong palapag na bahagi ng isang paaralan sa Novaliches, lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Base sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang nasunog na paaralan ay ang tatlong palapag ng St. Luke’s School na mata-tagpuan sa may Susano Road, Novaliches, Brgy. San Agustin sa lungsod.

Ayon kay Supt. Jesus Fernandez, city fire marshal, nagsimula ang sunog sa isang bakanteng kuwarto sa ikatlong palapag ng nasabing paaralan, ganap na alas-11:25 ng umaga

Bigla na lamang anyang umapoy ang nasabing lugar hanggang sa kumalat na ito paibaba.

Umabot lamang sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyan itong idekla-rang fire out ganap na alas-12:25 ng tanghali.

Patuloy ang pagsisiyasat ng BFP sa nasabing sunog kung saan tinitignan ang problema sa kuryente ang sanhi nito.

ACIRC

ANG

AYON

BIGLA

BRGY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

JESUS FERNANDEZ

NOVALICHES

SAN AGUSTIN

ST. LUKE

SUSANO ROAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with