^

Metro

Holdaper kumasa sa parak, todas!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang holdaper ang napatay habang isa pa ang naaresto matapos manlaban sa mga nagrespondeng pulis nang holdapin nila ang isang lolo sa Pasig, kahapon ng umaga.

Kinilala ang napatay na suspek sa pamama­gitan ng identification card na nakuha sa kanyang wallet na si Rodel Gamaro, nasa hustong gulang, habang nada­kip si Jezreel Bierra na residente ng Cainta, Rizal.

Nabatid kay Sr. Supt. Elmer Jamias, director ng Eastern Police District (EPD), dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang barilan sa pagitan ng dalawang pulis at dalawang holdaper sa kahabaan ng Dr. Sixto Avenue, Barangay Ca­niogan sa lungsod.

Bago ang engkwen­tro ay hinoldap ng mga suspek na lulan ng isang motorsiklo, ang biktimang si Rogelio Tabios Sr., 66, ng 370 Dr. Sixto Antonio Ave. at sapilitang inagaw ang kanyang gintong bracelet na nagkakahalaga ng P50,000 habang may nakatutok na baril.

Napadaan naman sa lugar sina PO2 Jay Laila, ng PCRG Camp Crame kasama si PO2 Catherine Capinpin, na kapwa nakatalaga sa Public Information Office ng EPD, na mabilis na nagresponde sa krimen.

Tinangka nina PO2s Laila at Capinpin na pigilan ang dalawang suspek pero agad silang pinaputukan na maswerte naman hindi tinamaan kaya sila gumanti ng putok na nag­resulta para tamaan at mahulog sa motorsiklo ang rider na holdaper habang ang driver ng motor ay nakatakas kaya isinagawa ang  hot pursuit operation.

Matapos ang habulan at follow up operation ay nadakip din ito sa Bgy. Palatiw, Pasig City.

Isinugod pa sa Ri-zal Memorial Center si Gamaro ngunit idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

ACIRC

ANG

BARANGAY CA

CAMP CRAME

CATHERINE CAPINPIN

DR. SIXTO ANTONIO AVE

DR. SIXTO AVENUE

EASTERN POLICE DISTRICT

ELMER JAMIAS

JAY LAILA

JEZREEL BIERRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with