^

Metro

Van vs van: 10 sugatan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sugatan ang sampung katao kabilang ang isang opisyal ng Philippine Coast Guard matapos magbanggaan ang isang kolorum na van  at armored van,  kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Nasa custody naman ng Parañaque City Traffic Bureau ang driver ng Nissan Urban na si  Rosauro Rizal, 57, ng  Block-1, Lot 27, Ca­li­for­nia West Hill, Imus, Cavite.

Sa inisyal na report ng pulis-ya, naganap ang in­sident­e alas-8:00 ng uma­ga  sa kaha­baan ng Macapagal Avenue, panulukan ng  Bradco, Aseana Entertainment City, Brgy. Bac­laran nang nasabing lungsod.

 Ayon sa ilang saksi, naka- green ang traffic light sa direksiyon ng armored van na minamaneho ni Giron Penalber, 30, binata, ng Almazor St., Brgy. 185, Maricaban Pasay City.

Kung kaya’t  nagtuloy-tuloy ito patungong inter­sec­tion, subalit biglang kumaliwa ang Nissan Urban van dahilan para masalpok ito  hanggang sa ilang beses nagpa-ikot-ikot.

Dahil  dito ay  nabasag ang mga salamin ng  naturang van at tumilapon palabas ang mga pasahero nito.

Kaagad namang  naka­pag-responde ang mga ta­uhan ng rescue team ng Pa­rañaque City at Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) hanggang sa isinugod ang mga biktima sa naturang ospital.

Nabatid na ang naturang Nissan Urban ay kolorum kung saan sasampahan ng ka­song reckless imprudence resulting to multiple injuries ang driver nitong si Penalber.

ACIRC

ALMAZOR ST.

ANG

ASEANA ENTERTAINMENT CITY

ATILDE

BRGY

CITY TRAFFIC BUREAU

GIRON PENALBER

NBSP

NISSAN URBAN

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with