^

Metro

Dahil sa ‘iniregalo’ MMDA Chairman Tolentino dapat mag-sorry -- Gabriela

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat mag-sorry si MMDA Chairman Francisco Tolentino sa publiko hinggil sa umanoy hindi magandang biro nang regulahan ng mga babae para maging entertainment sa mga dumalo sa birthday party ni Laguna Rep. Benjie Agarao na kasabay na rin ng panunumpa ng mga  bagong miyembro ng liberal party sa naturang lugar.

Ayon kay Gabriela secretary general Joms Salvador nakababahala ang ginawang pagbibigay ni Tolentino ng surprise gift sa bday party ni Aga­rao na grupo ng mga kababa­­ihan lalupat nag-aam­bis­yon itong tumakbo bilang Senador sa darating na eleksiyon.

Bunga nito, binigyang diin ni Salvador na dapat lamang na humingi ng paumanhin si Tolentino sa publiko hindi lamang sa mga babaeng ginawa  niyang “regalo” at sa mga kababaihan  kundi sa lahat ng mga taong hindi natuwa sa ginawa niya.

“Hindi magandang biro, kung tinuturing man itong ganun ni Chair Tolentino, ang pagreregalo ng mga babae para maging entertainment sa mga naroon. Tinuturing bang bagay ni Tolentino ang mga babae para gawin niya silang “surprise gift”? pahayag ni Salvador.

Anya, kung maganda ang hangarin ni Tolentino na magbigay ng regalo kay Agarao ay dapat sana ay hindi na nito gi­namit ang mga babae na nagsipagsayaw na hindi katanggap tanggap ang mga kasuotan sa naturang okasyon.

ACIRC

AGARAO

ANG

ANYA

BENJIE AGARAO

CHAIR TOLENTINO

CHAIRMAN FRANCISCO TOLENTINO

JOMS SALVADOR

LAGUNA REP

MGA

TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with