Paggamit ng beep card sa MRT-3, simula na bukas
MANILA, Philippines - Iniulat ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na simula bukas (October 3) ay gagamit na rin ang Metro Rail Transit (MRT-3) ng bagong beep card ticke- ting system.
Ayon sa LRTA, tiyak na magbibigay ito ng mala-king ginhawa sa mga pasahero dahil hindi na pipila pa ang mga meron na nito para sa kanilang pagpasok at pagsakay ng tren ng MRT-3.
Anila, isang card na lamang ang kakailanganin ng isang pasahero kung siya ay sasakay ng LRT-1, LRT-2 at lilipat sa MRT-3.
Unang isinagawa ang public trail sa paggamit ng beep card sa LRT-2 na biyaheng Recto station sa Maynila patungo ng Santolan sa Pasig City, sinundan ng LRT-1 na rutang Roosevelt Avenue station sa Quezon City patungo ng Baclaran, Parañaque City.
Sinabi ng LRTA, naging matagumpay ang isinagawa nilang public trail at unti-unti na ring naisaayos ang ilang maliliit na problema kaya ipinagamit na rin sa ibang mass transport system sa bansa ang nasabing
beep card.
Naging magaan at kumbinyente sa libu-libong pa-sahero ng LRT-1 at LRT-2 ang paggamit nila ng beep card kung saan ay segundo lamang ang pag-tap ng card sa gate ay makakapasok na sa loob ng istasyon ng tren.
Unti-unti na ring naiiwasan ang dating mahabang pila sa mga istasyon ng LRT mula sa kanilang pagbili ng tiket hanggang sa kanilang pagpasok sa loob ng bagon.
- Latest