^

Metro

Mas mahabang water interruption sa Metro Manila, asahan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mas mahabang oras na water interruption  ang ma­ra­ranasan ng mga taga- Metro Manila at kalapit lalawigan sa mga susunod na araw dahil sa epekto ng El Niño phenomenon sa suplay ng tubig sa bansa.

Ito ay inanunsyo ng National Water Resources Board (NWRB) dahil sa planong pagbababa ng water allocation sa mga water con­cessionaires na Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Company Inc.

Ayon sa NWRB, mula 40 cubic meters ay gagawing 38 cubic meters na lamang ang laang tubig na maaaring maisuplay ng mga water concessionaires  sa kanilang water custo­mers para makatipid sa tubig na nagmumula sa Angat dam sa Bulacan. Ang naturang dam ang pinagmumulan ng 90 percent ng tubig sa Metro Manila at kalapit lalawigan.

Sa ngayon ang water­ level sa Angat dam ay pu­mapalo sa 189.51 meters o mas mababa sa 210 meter  na target ngayong taon.

Sinasabing mula sa 9 hours na water interrup­tions na naipatupad­ kama­kailan ng water con­­cessionaires ay gaga­wing 20 hours ang water inter­ruption ng mga ito sa susunod na buwan ng Ok­tubre sakaling bawa­san ng NWRB ang water allocations mula sa Angat dam.

ACIRC

ANG

ANGAT

ATILDE

EL NI

MANILA WATER COMPANY INC

MAYNILAD WATER SERVICES INC

METRO MANILA

NATIONAL WATER RESOURCES BOARD

SHY

WATER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with