^

Metro

MMDA, Metro Manila Mayors nagkasundo 5 tulay itatayo sa Metro Manila vs traffic

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagpapatayo ng  limang  tulay ang  napagkasunduan ng  Metropolitan Manila Development Authority kasama ang mga  Metro Manila mayors upang  masolusyunan ang  matinding trapiko.

Sa ginanap na pagpupulong sa Manila Yatch Club, sinabi ni  Manila Vice Mayor Isko Moreno na ang  nasabing pagtatayo ng  tulay ay  napagdesisyunan ng  lahat ng  mga alkalde at MMDA sa pangunguna ni  Chairman Francis Tolen­tino.

Kabilang na dito ang mga strategic choke points sa C.P. Garcia Ave. – Ka­tipunan; Dela Rosa St. – Katipunan; Santolan; Vito Cruz at P. Tuazon Blvd.

Iminungkahi din ni  Mo­­reno na mas makabubuti kung magkakaroon ng  iisang sistema sa traffic stra­­tegies at magtalaga ng  ahensiya na mangangasiwa sa sistema ng trapiko sa  Kamaynilaan gayundin  sa mga enforcers.

Mas nakatitiyak din  na mapananagot ang mga traffic violators  kahit pa  tumawid ng  ibang lungsod dahil iisa na lamang ang sistema at hindi na iba-iba na  naipatutupad ngayon ng mga lungsod.

Pabor din si Moreno  na ibigay na lamang  sa iisang ahensiya tulad ng MMDA ang traffic enforcement ng mga local government units upang iisang  batas na lamang ang ipatutupad.

Samantala, bumuo naman ng  bagong task group si QC Mayor Herbert M. Bautista na direktahang mangangasiwa at magsasagawa ng clearing ope­rations sa mga kalsada sa lunsod mula ngayon.

 Ito ay sa pamamagitan ng isang Executive Order No.12 na nilagdaan ni Ma-yor Bautista na layuning makapagpatupad ng isang comprehensive, integrated at sustainable special ope­rations program na titiyak sa maayos na daloy ng trapiko at pedestrian traffic sa QC.

Ang QC na may ¼ ng po­pulasyon sa  Metro Mani­la, ay isang major gateways ng vehicular traffic sa National Capital Region (NCR).

Isa sa bubusisiin ng bagong tatag na grupo ang kahabaan ng EDSA sa QC na siyang problema ngayon sa matinding daloy ng trapiko laluna sa may Balintawaak market area at sa may Munoz area, ang lugar na kinaroroonan ng Dario creek na isinasailalim ngayon sa rehabilitasyon ng DPWH.

Ang bagong task group ay sasailalim sa superbis­yon at control ni Bautista sa ilalim ng Department of Public Order and Safety (DPOS) na pinamumunuan ni Gen. Elmo San Diego.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAUTISTA

CHAIRMAN FRANCIS TOLEN

DELA ROSA ST.

DEPARTMENT OF PUBLIC ORDER AND SAFETY

ELMO SAN DIEGO

EXECUTIVE ORDER NO

MGA

NBSP

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with