^

Metro

‘Dugo-dugo gang’ nalansag: 7 arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nalansag ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang isang sindikato ng ‘Dugo-Dugo Gang’ makaraang pitong miyembro ang masakote sa ikinasang entrapment operation, kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Paula Garcia, 31; John Ryan Santos, 32; Gerald Cruz, 32; Lucila Cruz, alyas Sheila Santos, 53; Janet Calayag, 25; Ronaldo Apilado, 39, ng Colong 2, Valenzuela City; at Ferdie De Guzman, 31.

Sa ulat ng pulisya, Martes ng tanghali nang makatanggap ng tawag ang 18-anyos na si Kim Karla Opinianado, ng Celina Homes 2, Deparo, Caloocan City buhat sa isang babae na nagsabing nasangkot sa aksidente sa kotse ang kanyang lola na si Evita Opinianado, 65, at inutusan siya na kunin lahat ng pera at alahas para sa operasyon sa ospital.

Sinunod naman ito ni Opinianado at patungo na sa Expo Center sa Maysan Road, Valenzuela nang mapadaan ito sa bahay ng kaanak na si Emily Bordon at naikuwento ang natanggap na tawag. Tinawagan naman ni Bordon si Evita Opinianado na natuklasan na hindi naman naaksidente.

Dito na humingi ng saklolo sa Valenzuela City Police ang mga biktima kaya naikasa ang entrapment operation. Dakong alas-2 ng hapon nang masakote ng pulisya sa pamumuno ni Station Investigation and Detective Management Division head, Chief Insp. Rhoderick Juan ang apat sa mga suspek sa may Expo Center, Brgy. Maysan, Valenzuela.

Natunton rin ng pulisya ang isang apartment unit sa may Decena Street, Brgy. Arkong Bato, Valenzuela na kuta ng operasyon ng sindikato at nadakip sa loob nito sina Lucila­ Cruz, Garcia at Calayag habang abala sa pagrebisa sa yellow­ page sa paghahanap ng mabibiktima.

Narekober sa grupo ang P98,000 cash at alahas na aabot sa halagang P30,000 na dala ng biktimang si Opinia­nado.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong estafa habang nanawagan ang pulisya sa iba pang nabiktima ng grupo na magtungo sa Valenzuela City Police Headquarters upang kilalanin at kasamahan ng patung-patong na kaso ang mga suspek.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARKONG BATO

BRGY

CALOOCAN CITY

CELINA HOMES

EVITA OPINIANADO

EXPO CENTER

VALENZUELA

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with