^

Metro

Bigtime na ‘tulak’, timbog sa 1 kilo ng shabu

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Himas rehas ngayon ang isang kilabot na drug pusher matapos na makuhanan ng isang kilo ng  shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Mandaluyong City, iniulat kahapon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr., ang suspect na si Jeffrey Cenon, 30, na residente ng  Makati City.

Ayon kay Cacdac, nadakip ang suspect ng mga operatiba ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa pangunguna ni Director Erwin Ogario, sa isi­nasagawang operasyon sa kahabaan ng E. Pantaleon Street, Mandaluyong City, ganap na alas- 8:30 ng gabi.

Bago ito, nakipagtransak­syon ang tropa ni Ogario sa suspect kaugnay sa pagbi­li nila ng milyong halaga ng shabu at nagkasundo na magkita sa nasabing lugar.

Sa tagpuan ay sakay ng kanyang Mitsubishi Pajero (XPH-801) ay sinalubong ang suspect ng isang poseur buyer ng PDEA at nang magpalitan ng items ay saka ito dinamba ng ilang naka-antabay na operatiba.

Nasamsam sa suspect  ang isang plastic bag na nag­lalaman ng isang kilo ng sha-bu na tinatayang may street value na P2,000,000, gayundin ang kanyang Pajero.

Inihahanda na ang kaso laban sa suspect.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CACDAC JR.

DIRECTOR ERWIN OGARIO

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JEFFREY CENON

MAKATI CITY

MANDALUYONG CITY

MITSUBISHI PAJERO

PANTALEON STREET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with