^

Metro

Citizens Crime Watch magpupulong sa BBL, at mga tribo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magsasagawa ng sunod-sunod na pagpupulong ang Citizens Crime Watch (CCW) upang isulong ang kapayapaan at kapakanan ng mga  tribo at Muslim sa Cordillera at Mindanao.

Ayon kay CCW leader  sa Cordillera Adminis-trative Region (CAR) Leonardo Balicdan, ang program ay nasa ilalim ng proposed Bangsamoro Basic Law (BBL) na ang bersyon ay inamiyendahan sa Senado ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., chairman ng Senate committee on labor.

 Sabi ni Balicdan, ang mga dadalo ay aapila kay Marcos na magpasa ng batas na tulad ng BBL para sagutin ang kahili-ngan ng mga igorot  na magkaroon ng tunay na “autonomous region.”

Dagdag naman ni Dr. Heal Dineros, CCW national coordinator for Muslim and tribal affairs, napag-usapan na nila ng senador ang nasabing panukala  at bukas naman ito sa pagbuo ng batas tulad ng BBL para sa mga taga-Cordillera na nakasaad din sa 1987 Constitution.

Ang unang pagpupulong ngayong taon ay pangungunahan ng CCW-CAR Chapter sa Agosto 29 na gaganapin sa Jack Restaurant, Trinidad, Benguet.

Ang dating Ifugao gobernador Gualberto Lumauig ang keynote speaker habang si CCW Chairman Jose Malvar Villegas Jr. naman ang guest speaker.  

Ayon kay Balicdan si dating congressman Lumauig ang co-author ng batas na bumuo sa Cordil-lera Autonomous Region na naglaon ay naging  CAR. 

 Si dating Philippine ambassador to Italy Jose Romero Jr., ekonomista sa University of Asia and the Pacific (UA & P), naman ay magsasalita ukol sa magna carta ng Mus- lim Mindanao, nagpatibay sa BBL bersyon ni Marcos.

 

ANG

AUTONOMOUS REGION

AYON

BALICDAN

BANGSAMORO BASIC LAW

CHAIRMAN JOSE MALVAR VILLEGAS JR.

CITIZENS CRIME WATCH

CORDILLERA ADMINIS

DR. HEAL DINEROS

GUALBERTO LUMAUIG

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with