Mag-asawang natagpuang patay sa parking lot nagpositibo sa oxalic acid
MANILA, Philippines — Positibo sa oxalic acid ang labi ng mag-asawang natagpuang patay sa parking lot ng isang mall sa Las Piñas City nitong Hulyo, ayon sa Philippine National Police (PNP) ngayong Martes.
Ayon kay PNP crime laboratory acting director Senior Superintendent Emmanuel Aranas nakakain ng oxalic acid ang mag-asawang sina Jose Maria Escano, 51, at asawang si Juliet, 51.
"Toxicology examination conducted on the collected items and stomach contents of the victims gave positive result to the test for the presence of oxalic acid," pahayag ni Aranas.
Kadalasang natatagpuan ang oxalic acid sa mga panglinis ng kusina o palikuran, kung saan wala itong kulay at madaling matunaw kapag naihalo sa tubig.
"About 10 µg/mL (micrograms per milliliter) of oxalic acid is considered dangerous amount. The average human body contains approximately four liters of blood, therefore, it will only take about 40mg of oxalic acid to poison a human body which can potentially lead to a person’s death," dagdag ng pulis.
Natagpuang patay ang mag-asawa nitong Hulyo 9 sa parking lot ng isang mall sa Daang Hari sa Las Piñas City.
- Latest