^

Metro

Paggamit ng beep card sa LRT simula na sa Linggo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magsisimula na sa Linggo (August 16) ang paggamit ng unified stored value beep card sa line 1 at line 2 ng Light Rail Transit (LRT).

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRTA, tiyak na magbibigay ng ginhawa sa mga pasahero ng LRT-1 at LRT-2 ang beep card dahil hindi na pipila pa ang mga ito sa tuwing sasakay ng tren.

Sa ngayon ani Cabrera ay puspusan ang isinasagawa nilang public trial sa bagong beep card ticket sa lahat ng istasyon ng LRT upang maisaayos ang ilang makikitang problema.

Kabilang sa isinasagawang public trial ay ang pagbebenta, paglo-load at paggamit ng mga bagong beep card tickets.

Pinaalalahanan din ni Cab­rera ang mga commuters na ongoing din ang cash refund sa mga magnetic stored value tickets na nabili na nila ngunit hindi na maaari pang gamitin sa sandaling maipatupad na nang tuluyan ang contactless ticketing system na beep card.

Ang cash refund ay isinasagawa sa lahat ng istasyon ng LRT-1 northbound pero ang paglilipat ng balanse sa bagong beep card ay sa isang linggo pa isasagawa.

Inihinto na rin ng LRTA ang pagbebenta ng magnetic stored value tickets sa Line 2 ng LRT bilang bahagi ng bagong sistemang ipapatupad, pero tuloy pa rin ang bentahan ng single-journey tickets hanggang tuluyang maipatupad  ang bagong sistema.

ACIRC

ANG

AYON

BEEP

CABRERA

CARD

HERNANDO CABRERA

INIHAYAG

INIHINTO

LIGHT RAIL TRANSIT

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with