^

Metro

Kelot na nasa drug watchlist, itinumba sa loob ng bahay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaslang  ng mga hindi pa nakilalang salarin ang isang lalaki na sangkot umano sa pagtutulak ng iligal na droga nang pagbabarilin sa loob mismo ng kanyang bahay sa Malabon City.

Nakilala ang nasawi na si Enrico Juance, 48, ng  Ka­unlaran St., Brgy. Muzon, ng naturang lungsod. Hindi naman ginalaw ng mga salarin ang live-in partner nito na si Rowena Jordan.

Sa ulat, dakong alas-10:15 ng gabi nang pasukin ng mga suspect ang bahay ni Juance. Isa ang agad na bumaril sa biktima na tinamaan sa ulo at katawan habang nagsilbing look-out naman ang isa pa.

Muling nabigo naman ang pulisya na madakip ang mga salarin. Narekober naman sa loob ng bahay ng suspek ang 10 basyong bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at 10 maliit na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nabatid na kasama sa watchlist sa mga pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga ang biktima habang maaring onsehan ang dahilan ng pamamaslang.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

ENRICO JUANCE

ISA

JUANCE

MALABON CITY

MUZON

NABATID

NAKILALA

ROWENA JORDAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with