^

Metro

Urban farming at breastfeeding, isinusulong vs malnutrisyon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang publiko na e-promote ang urban farming at breastfeeding sa lungsod para malabanan ang problema sa malnultrisyon.

Ang hakbang ay ginawa ni Belmonte nang pangunahan ang paglulunsad sa National Nutrition Council (NNC) ‘10 Kumainments’ campaign na layong magkaroon ng tamang nutrisyon at healthy eating habits sa bawat komunidad laluna sa mahihirap na lugar sa lungsod.

Sinabi ni Belmonte na ang kanyang tanggapan ay handang mamigay ng starter kits na kapapalooban ng mga  punla  ng pananim na mga  gulay tulad ng pechay, kamatis,talong, okra at iba pa,  soil compost at gardening equipment sa mga interesado sa Urban Farming Program.

Katulong naman ng city health department ang NCC-National Capital Region sa pagpapatupad ng ‘10 kumainments’campaign tulad ng tamang pagkain ng masustansiyang pagkain, pag-eehersisyo, pagtulog ng maaga at paggising ng maaga,  na isa sa tampok na aktibidad  sa pagdiriwang ng Nutrition month ngayong buwan.

Partikular na benepisyaryo ng  programang ito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) .

Bukod sa pagpo-pomote sa tamang nutrisyon sa komunidad, ang city health department  ay nakipagkasundo din sa Division of City Schools para sa pagpo-promote ng tamang nutrisyon at healthy eating habits  sa mga kabataang mag-aaral  sa lahat ng pampublikong paaralan.

ANG

BELMONTE

BUKOD

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DIVISION OF CITY SCHOOLS

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL NUTRITION COUNCIL

NBSP

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

URBAN FARMING PROGRAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with