100 bahay natupok sa Parañaque fire
MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos tupukin ng malakas na apoy ang 100 kabahayan, kahapon sa Parañaque City.
Ayon sa Paranaque City Fire Department, nagsimulang sumiklab ang apoy alas-12:57 ng tanghali sa dalawang palapag ng bahay ng isang Alfonso Reyes, na matatagpuan sa Delarama Compound, Clinic Village, Purok 2, Barangay BF Homes ng naturang lungsod.
Nadamay ang iba pang kabahayan na umabot sa 100 bilang, na pawang mga informal settlers at dahil gawa ang mga ito sa light materials at malakas ang hangin kaya mabilis na kumalat ang apoy.
Nabatid na umabot sa general alarm ang sunog at habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa tuluyang naaapula ang apoy. Lumalabas din na ang dahilan ng sunog ay faulty electrical wiring dahil maraming naka-jumper dito.
- Latest