2015 Bright Leaf Agriculture journalism awards binuksan
MANILA, Philippines - Opisyal nang binuksan ang 9th Bright Leaf Agriculture Journalism Awards kamakailan upang parangalan ang mga mamamahayag sa larangan ng agrikultura.
Para makakuha ng maraming kalahok, ang Bright Leaf ay bumuo ng pangkat upang mag-ikot sa pangunahing mga siyudad sa bansa at hikayatin ang mga mamamahayag na sumali sa kumpetisyon.
Para sa taong ito, ang mga road shows ng Bright Leaf ay magtatampok ng mga espesyal na panauhin para magbahagi ng kanilang kaalaman sa mga isyung pang-agrikultura sa bawat rehiyon.
Maging ang mga batikang mamamahayag at miyembro ng academe ay kasama rin sa diskusyon upang matulungan ang mga mas batang mamamahayag para mapabuti ang kanilang trabaho.
Ang Bright Leaf Awards ay naglalayong kilalanin ang pinaka-maganda at napapanahong istorya na nalathala o di kaya ay napakinggan sa radyo at telebisyon, at ipagdiwang ang mga obra ng mga photojournalists na matagumpay na nailalarawan sa pamamagitan ng kanilang mga litrato ang kahalagahan at estado ng sector ng agrikultura sa bansa.
Ang mga entries ay dapat malathala o ma-broadcast mula Sept. 1, 2014 hanggang Aug. 1, 2015, Tagalog man o Ingles. Ang deadline ng pagsusumite ng entries ay sa Sept. 4.
- Latest