^

Metro

2 bagets kritikal sa gang war

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumalala ang problema sa gang war sa lungsod ng Navotas makaraang dalawang tinedyer ang nasa kritikal ang buhay nang saksakin at paluin ng bato sa ulo, kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Kapwa inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sina Jerome Castillo, 17, nagtamo ng saksak sa may kili-kili, at Redentor Manliclic, 19, nabasag ang ulo, kapwa ng Block 2 Kadiwa St., Letre Road, Brgy. Tonsuya, Malabon City.

Sa ulat, magkaangkas sa bisikleta ang magpinsan na biktima dakong alas-10 ng gabi sa may C4 Road, Brgy. North Bay Boulevard North, nang harangin ng isang grupo ng kabataan at pagtulungang gulpihin.

Agad namang sinaklolohan ng mga tanod ang mga biktima at isinugod sa pagamutan.

Nabatid na unang nagkaroon ng gang war ang dalawang grupo ng mga kabataan sa naturang lugar na naawat naman ng mga tanod. Ngunit isang maliit na grupo ang naiwan na siyang humarang at nanggulpi at nanaksak sa mga biktima.

Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng pulisya upang ma­kilala ang mga kabataan na sangkot sa insidente.

vuukle comment

BRGY

JEROME CASTILLO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KADIWA ST.

KAPWA

LETRE ROAD

MALABON CITY

NORTH BAY BOULEVARD NORTH

REDENTOR MANLICLIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with