^

Metro

Bahay, binato na, mister tinodas pa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Todas ang isang mister makaraang pagsasaksakin sa dibdib ng hindi pa nakikilalang mga suspek na nambato sa kanilang tahanan sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay nakilalang si Rholy Sropia, 34, ng  Brgy. Hulo sa lungsod.

Sa imbestigasyon ng Mandaluyong police, nabatid na ang insidente ay naganap dakong ala-1:00 ng madaling-araw sa bakanteng lote sa Brgy. Hulo, hindi kalayuan sa bahay ng biktima.

Ayon kay Cecilia, misis ng biktima, bago ito ay pinagbabato ang kanilang tahanan kaya lumabas ang kanyang mister para tingnan kung sino ang nambabato.

Mahigit sa isang oras ang lumipas ay hindi pa rin bumabalik ang biktima kaya sumunod si Cecilia para hanapin ang mister at laking gulat nito nang makitang nakalugmok ang asawa sa gilid ng kalsada na tadtad ng saksak ng icepick sa dibdib. Hinala ni Cecilia na ang mga taong nambato sa kanilang tahanan ang siyang may kagagawan ng pagpatay sa kanyang mister.

Wala namang maisip na motibo si Cecilia kung bakit pinatay ang kanyang mister dahil wala naman umano silang atraso o kaaway sa kanilang lugar.

AYON

BRGY

CECILIA

HINALA

HULO

MAHIGIT

MANDALUYONG

MANDALUYONG CITY

RHOLY SROPIA

TODAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with