Tindahan ni Ate Joy, muling aarangkada ngayong Women’s month
MANILA, Philippines - Aarangkadang muli ang proyekto ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na ‘Tindahan ni Ate Joy’ para sa mga kababaihan ngayong Women’s month.
Sa darating na March 9,2015 ay isasagawa ang pagkakaloob ng BDO ATM sa mga ‘Tindahan ni Ate Joy’ batch 1 beneficiaries na naglalaman ng kalahati ng kanilang kinita mula sa naipagkaloob na tindahan ni Belmonte sa mga ito noong nagdaang taon upang magamit ng kanilang mga anak sa ibat ibang mga gastusin laluna sa eskuwelahan.
Ang kalahati naman ng kanilang kinita sa tindahan ay ilalaan naman nila sa ‘Tindahan ni Ate Joy’ batch 2 beneficiaries upang madagdagan ang kanilang puhunan at tuloy higit na tataas ang malilikom na pera para sa kani -kanilang mga pamilya.
Noong nakaraang taon , 2 batches na may mahigit 400 kababaihan ang napagkalooban ni Belmonte ng P10,000 worth ng mga grocery items bilang panimula ng kanilang tindahan.
“Maganda ang naging turn out ng kanilang mga tindahan kayat ngayon kinukumusta natin sila at halos lahat naman sa kanila ay lumago ang negosyo ng kanilang tindahan .Patuloy nating ipatutupad ang programang ito para makatulong tayong mapaunlad ang kabuhayan ng mga kababaihan ng QC” pahayag ni Belmonte.
Bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Women’s month ngayong Marso ay magkakaroon din sa March 9 ng dance contest para sa hanay ng mga mag-aaral, barangay level ,elderly at iba pa bilang pagbibigay pugay naman sa mga kababaihan sa naging papel ng mga ito sa lipunan para sa paghubog ng bawat komunidad.
- Latest