^

Metro

BFP handa na sa fire prevention month

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi pa man sumasapit ang buwan ng Marso na tinaguri­ang fire prevention month ay sunud-sunod na ang nagaganap na sunog, kaya naman maaga pa lamang ay naghanda na ang kagawaran ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng mga aktibidad na naglalayong mabuksan ang kamalayan ng publiko sa pag-iwas sa sunog.

Ayon kay BFP officer-in-charge Chief Supt. Ariel Barayuga, madalas na nagaganap ang sunog kapag buwan ng Marso, dahil dito nagsisimulang uminit ang panahon.

Kaya naman bago pa pumasok ang nasabing buwan, sisimulan na ng kanilang kagawaran ang mga aktibidad na makakatulong para agad na mabatid ng mamamayan kung papaano maging aktibo at makuha ang minimithing kaligtasan sa sunog at maging fire-free nation ang bansa.

Partikular na aktibidad na gagawin ng BFP kung saan naka­pokus ang temang “Kaligtasan sa Sunog: Alamin, Gawin at Isabuhay Natin,”  ay ang hiwalayang  pagmartsa sa Quezon Memorial Circle na dadaluhan ng mga bumbero, volunteers, public servants, Non-Government Organizations (NGOs), estudyante, at  mga propesyunal sa March 3, 2015.

Kasunod nito ang hiwalayang pagsasagawa ng limang minutong pag-iingay ng kanilang mga busina at mga fire apparatus­. Magkakaroon din ang BFP ng mga pagbisita sa mga television, upang ipalaganap sa publiko ang kahalagahan ng kaligtasan sa sunog, at iimbitahan din ng kagawaran ang ilang mga estudyante sa bawat barangay para sa tatlong araw na pagtuturo hinggil sa fire safety at pagkakaroon ng kaalaman sa paggamit ng firefighting equipment.

Sabi ni Barrayuga, ang mga ito ay ilan lamang sa mga aktibidad na kanilang gagawin sa buwan ng Marso, para mapalawak ang relasyon nila sa komunidad at mapagtagumpayan ang ligtas na komunidad sa sunog.

ARIEL BARAYUGA

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CHIEF SUPT

ISABUHAY NATIN

MARSO

NON-GOVERNMENT ORGANIZATIONS

QUEZON MEMORIAL CIRCLE

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with