Pagpapalit ng riles ng MRT-3, aabutin ng 3-4 na buwan
MANILA, Philippines – Aabutin ng mula tatlo hanggang apat na buwan bago matapos ang rehabilitation program na isasagawa sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3).
Ayon kay Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya, may 6,000 linear meters o 150 metro ng riles ang kinakailangang palitan tuwing Linggo.
Gayunman, nilinaw ni Abaya na hindi naman nila tuluyang ititigil ang operasyon ng MRT-3 sa sandaling simulan na ang pagkukumpuni.
Aniya, paiigsiin lamang nila ang operasyon ng MRT-3 tuwing weekend.
Idinagdag pa nito na maaga silang titigil ng operasyon kapag Sabado at late namang magbubukas kapag Linggo.
Plano rin nilang i-maximize ang pagsasara ng MRT-3 ngayong Holy Week upang makumpleto agad ang proyekto.
Inihayag din ni Abaya na naghahanap na sila ng bagong maintenance contractor para mapalitan ang kasalukuyang maintenance provider ng MRT 3.
Marami aniyang pribadong kumpanya na interesado sa kontrata ngunit wala pa sa mga ito na nagsusumite ng kanilang bids.
- Latest