^

Metro

Sticker sa mga pedicab, kuliglig kinumpiska

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpiska ng  Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Manila Tricycle Regulatory Office ang mga sticker na nakalagay sa mga pedicab, kuliglig at tricycle na bumibiyahe sa Maynila.

Paliwanag ni  MTPB Director Carter Don Logica, walang anumang pribilehiyo ang mga sticker na nakakabit sa three-wheel  vehicle na pumapasada sa lungsod.

Aniya, huhulihin pa rin ang  sinumang  pedicab, kuliglig at tricycle na lalabag sa traffic regulations.

Nabatid na umaabot sa 40 piraso ng  sticker ang  nakumpiska ng  MTRO matapos na isagawa ang  ope­rasyon laban sa pagkalat nito.

Posible umanong  may nagpoproteksiyon sa mga  drivers ng  three-wheel vehicle kapalit ng  mga sticker at pangakong  walang  huli.

Ayon naman kay  Manila Vice Mayor Isko Moreno, ang  operasyon ay isinagawa bunsod na rin ng mga  reklamo mula sa mga pangulo ng  Tricycle Operators and Drivers Association (TODA).

Sinabi ni Moreno na hindi umano proteksiyon ang mga sticker mula  sa mga huli bagkus ay nagpapaliit pa ng kanilang mga kita.

Payo ni  Moreno,  mas mabuting magparehistro na lamang ang mga driver upang maging lehitimo ang kanilang pamamasada kasabay ng pagsunod sa batas.

Dagdag pa ni Moreno, madadagdagan pa ang  bilang ng mga nakunan ng  sticker.

 

ANIYA

DIRECTOR CARTER DON LOGICA

DRIVERS ASSOCIATION

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MANILA TRICYCLE REGULATORY OFFICE

MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with