Erap pabor na suspindihin ang BBL
MANILA, Philippines – Tahasang sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na pabor siya sa suspensiyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL) hangga’t walang malinaw na napapanagot sa nangyaring pagkamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.
Ang pahayag ay ginawa ni Estrada matapos ang maikling programa sa ‘Battle for Manila’ na dinaluhan ng mga beterano mula sa iba’t ibang bansa.
Ayon kay Estrada, dapat na munang maging malinaw ang bawat isinasaad sa BBL upang maging patas sa lahat ng mga kinauukulan.
Mas mainam na may managot muna sa ‘Fallen 44’ bago pa man isulong ang BBL. Aniya ang mga ito ay para na rin sa kapakanan ng iba pang mga miyembro ng SAF na lubhang naapektuhan sa pagkamatay ng kanilang mga kasamahan.
Paliwanag ng alkalde, hustisya lamang ang sigaw ng mga pamilya na dapat na maibigay ng pamahalaan upang maiwasan na rin ang demoralisasyon ng ibang pulis, gayundin ang mga sundalo na patuloy na lumalaban laban sa mga rebelde.
- Latest