Bulacan warehouse hitik sa violations
MANILA, Philippines - Lumabas sa imbestigasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maraming nilabag ang private contractor ng Bulacan warehouse na sangkot sa pagkasawi ng 11 katao.
Sinabi ni DOLE Secretary Rosalinda Baldoz na walang approved construction at health program ang construction site sa MacArthur Highway, Barangay Ilang-ilang, Guiguinto, Bulacan.
Dagdag niya na hiningian na nila ang Hoclim Company Construction Corp. ng compliance report, na kinakailangan bago simulan ang isang proyekto.
Sinabi pa ni Baldoz na kinakailangan din kumuha ang kompanya ng permit mula sa local government unit.
Nalaman din ng DOLE na walang safety officer o safety engineer ang proyekto.
"Wala pong request sa amin 'yung kumpanya. Wala naman pong na-issue...walang notice na merong ganung construction project," wika ni Baldoz.
Suspendido ang paggawa sa construction site hangga't makumpleto ang safety requirements ng DOLE.
Nasawi ang 11 katao nitong kamakalawa ng gabi matapos bumigay ang pader ng isang bodega.
Nangako ang kompanya na magpapaabot ng P50,000 sa pamilya ng mga biktima.
- Latest